| | | |

Revised Guidelines for Responding to COVID-19 Cases Among Staff and Faculty for UP Diliman Offices and Units (Published September 2020)

Unang naglabas ang UPD COVID-19 Task Force ng “Mga Gabay Ukol sa Kaligtasan Mula sa COVID-19” noong Hulyo 13, 2020. Mula noon ay patuloy ang mga ginagawang pakikipag-usap ng mga kasapi ng Task Force sa iba’t ibang mga sektor sa kampus upang magbahaginan ng mga impormasyon hinggil sa COVID-9 at mapanatiling ligtas ang ating komunidad.


Napag-alaman na hindi lahat ng mga opisina natin ay may mga Post-ECQ Teams (PET) o kaya ay Health Liaison Officer (HeLO). Nakita din na kailangan maglinaw ng ilang mga detalye sa mga hakbang sa pagtugon sa mga kaso sa ating mga opisina. Mahalaga din ang pagkakaroon natin ng data base kung kaya minumungkahi ang paggamit ng QR codes para sa ating health checklist at arawang pag-uulat.


Narito ang revised guidelines kung saan mas may tukoy na mga gabay sa mga PETs at HeLOs hinggil sa kanilang mga gampanin. Ang guidelines na ito ay natalakay na sa mga HeLOs / PETs sa isang pulong sa kanila noong Agosto 18.

Hinihiling namin ang kooperasyon ng bawat isa. Maraming salamat.

Similar Posts